Hello! Nakakaboring pala kapag kain, tulog, cellphone, kain ulit, yung lang ang ginagawa. Antagal ko na rin dito sa bahay paulit-ulit na lang yung mukhang nakikita ko parang wala ng iba.
Pero paminsan minsan masaya naman kapag naisipan naming gumala yun na lang ata ang libangan naming pamilya.
Sa panahong ito ramdam ko na ang bakasyon, sulit din naman kasi ito yung panahon para makapagpahinga naman kami at para makaiwas sa mga gawaing panpaaralan pero mukhang ayaw kaming tantanan ng mga ito kasi nariyan ang nagiintay sa aming mga takdang aralin at iba pang mga gawain.
Isa pa, nakakamiss pala yung mga maiingay kung kaklase, lalo na yung mga pagkakataong binibiro namin ang aming mga guro at siyempre alam na kung sino ang nangunguna sa mga ganyan ,si ano yun! (iwag at griarte)=)=)
Kahit pa nakakaboring paminsan-minsan itong baksyon namin ay sinisigurado ko namn kayo na punong-puno ito ng mga alaala at kasiyahan.
Martes, Disyembre 29, 2015
Sabado, Nobyembre 21, 2015
"unang konpesyon para sa inyo"
Hindi ako yung tipo ng anak na bukas ang saloobin pagdating sa aking mga magulang pero sa unang pagkakataon na sasabihin ko ang mga bagay na ito ay sana maunawaan niyo ako.
Para kay mama ,maraming -maraming salamat sa pag-aaalaga mo sa akin.Kahit na halos sa school na ko tumira at kahit na halos lumabas at magkagalit-galit na ang ugat mo sa binti ay nariyan ka parin para paghandaan ako ng pagkain ng gamit at iba pa.Hinding-hindi ko malilimutan yung mga araw na parehas tayong may sakit pero 'di mo pa rin ako pinabayaan para makapagpahinga ka na lang bagkus binantayan mo ako kung patuloy pa rin bang tumataas ang lagnat ko, kahit na giniginaw at tinatrangkaso ka na rin .Wala na akong hihilingin pa sa isang nanay na aktulad mo kaya wala talaga akong karapatan na magalit sayo sa minsan mo akong kagalitan kasi mas may karapatan....sumasakit yung lalamunan at dibdib ko habang nagta-type yung para bang nagpipigil ka ng iyak. I LOVE YOU MA!
Para naman kay papa ....siguro nga nagagalit ako sayo ng madalas pero hinding-hindi pa rin nawawala ang bagay na nagpapaalala sa akin na anak mo lang ako at papa kita,ikaw naman kasi ...eh ayoko sanang magtanim ng galit sayo pero ikaw rin kasi minsan ang gumagawa ng paraan para lumayo ang loob ko sayo .Tanggap ko naman na may pagkastrikto ka pero wag ka naman sana magalit sa akin ng hindi mo pa alam kung ano naman ang nararamdaman ko.Nagpapasalamat ako para sa mga ginawa mo para sa amin bilang isan ama ,malaking bagay ang mga iyon para matuto kami sa buhay.Paano na lang siguro kami kung wala ka?siguro wala ako ngayon dito sa computer shop habang gumagawa ng sulatin para sa inyo ni mama.Siguro ito ang tamang panhon para sabihin ko sayo na mahal na mahal kita sa likod ng mga nagawa kong masama at sa mga ginawa mong ikinasama ng loob ko.Kahit papaano umaayos naman na ang relasyon nating mag-ama kaya pa! sorry po sa lahat at MAHAL NA MAHAL KITA!

Sabado, Nobyembre 14, 2015
"Pahinga po tayo!"^___^-sabado at linggo***
Sabado at Linggo ,dalawang araw na inilaan sa lahat para makapagpahinga matapos ang limang araw na punong-puno ng mga gawain.....pero BAKIT 'DI KO DAMA!?
Paano buong sabado at linggo ay nagbabawi ako sa mama ko kasi wala na raw akong silbi sa bahay halos sa school na raw ako tumira,HAHAHA!!!
OKAY SIGE!
magluto-check
maglaba-check
magsampay-check
maghugas ng plato-check
maglinis ng bahay-check
MAGPAHINGA-Ewan?meron ba nun?
Pero ayos lang ganyan talaga ang buhay!lunes na pala bukas hala! wala pa akong gawa sa TLE..Lord tulong po plsss....
"PANGAKONG HINDI MAPAPAKO"
"REALISASYON TUNGKOL SA PARABULA NG BANGA"
Hindi namang masama ang makisama at makisabay sa hindi mo kapantay,kauri o kalibel, ang mahalaga ay alam mo yung ginagawa mo yung wala kang natatapakang tao pero kapag ikaw na ang natapakan dapat siguro matuto ka na sa iyong karanasan at magising sa katotohanan na .Dapat mong isaalang -alang kung saan ka ba dapat lumugar ,kung saan ka nararapat, dahil kung patuloy mo lang ipagpipilitan ang gusto mo ay baka sa huli ikaw at ikaw pa rin ang masasaktan .Masaki mang isipin na kahit sabihin pa natin na lahat ay pantay-pantay,hindi pa rin nito maitatago ang katototahan na malabo iyong mangyari kung maraming tao ang mananatiling mapangmata at mapagmataas.
Huwebes, Oktubre 29, 2015
SEMBREAK^____^
YES!sembreak na ,panahon na ng pagpapahinga at pagbabawi ng tulog teka may pahinga nga ba ???
Ito ang 10 bagay na gagawin ko ngayong sembreak....
1. Magpuyat-matutulog ako kung anong oras ko gusto matulog kasi noong may pasok pa hindi ako makapagpuyat kasi maaga ang pasdok ko kaya ngayon susulitin ko ang isang linggong pahinga. 2.Manood mg TV -gusto kong manood ng tv lalo na't hindi na rin ako nakakapanood ng mga paborito kong palabas tulad ng "OTWOL" at "TWILIGHT" puro na lang kasi papel at notebook ang kaharap ko ni hindi ko na rin naabutan ang paborito kong palabas kasi hindi na kinakayang mata ko,pagkatapos ng mga assignments at projects ay bagsak na agad ako. 3. GUMALA-gusto ko ring pumunta sa ibang lugar tulad sa Bicol o 'di kaya sa Angono na lang para maiba naman yung setting nakakasawa rin kasi yung laging bahay na lang at school ang napupuntahan ko,wala ng bago kaya nakakaboring din. 4.KUMAIN NG KUMAIN-gusto kong kumain ng marami ,gusto kong magpakabusog kasi madalas noong may pasok pa ay nalilipasan ako ng kain sa dami ng mga gawain at dahil sa mga rush activities .Maisip ko lang yung mga pagkain na paborito ko eh ...halos maglaway na ko sa gutom. 5.MAG-ARAL-kahit sembreak na hindi pa rin mawawala ang mga gawain sa paaralan kaya kahit panahon na para magpahinga mapipilitan pa rin akong gawin yung mga gawain . 6.THESPIAN-bibigyan ko rin ng panahon yung pag-arte ko para sa aking karakter sa darating na araw ng pagtatanghal.Kinakabahan pa naman ako kung magagampanan ko ba yung aking karakter ng maayos...CHALLENGE NA NAMAN ITO! 7.TUMULONG KAY NANAY-nakakaawa na kasi si mama lagi na lang siya yung gumagalaw sa bahay kasi tambak din yung mga gawain ko sa school kaya wala na kong masyadong naitutulong sa mga gawaing bahay kaya ngayon babawi ako para mabawasan naman yung problema niya. 8.BRAID PA MORE!-masyado na kasi akong naadik sa mga braid tutorials at saka ito rinc ang nagsisilbi kong libangan kaya ipinagpapatuloy ko na lang ito kasi hilig ko talaga ang mangalikot ng buhok . 9.MAG-IPON-dahil malapit na ang aking kaarawan kailangan ko ng mag-ipon ng pera para kahit sila mama ang gagastos para sa pagkain ay kahit papaano ay may panggala ako at saka para payagan na nila ako maglakwatsa kasi sarili ko namang pera. 10.FAMILY BONDING-halos sa school na kasi ako tumira kaya ngayong sembreak ay mas bibigyan ko muna ng panahon yung pamilya ko. ....AT YAN ANG 10 BAGAY NAQ GUSTO KONG GAWIN NGAYONG SEMBRERAK!!!!^___^ |
Lunes, Oktubre 12, 2015
AKALA KO AKO LANG!!!^___^
GRABE!!! ka Ledonio akala ko ako lang yung nagdudusa sa parusa mo pati pala yung iba ,kawawa kaming lahat sayo .
Buong sabado hanggang linggo namamaga yung binti ko kaya sabi tuloy ni mama "ANO BANG NANGYARI SAYO ?,SUMALI KA BA SA FRATERNITY IKAW HA!? PARA KANG NAPADEL " hahahah^__^grabe si mama mag-react ang O.A. naman pero grabe ka talaga Ledonio kung nasa sitwasyon ka namin ngayon baka umiyak ka pa sa sakit ang hirap maglakad ,eh.. bundok pa naman samin haiyyy....LEDONIO!!!!!
OH ,LAGOT KA SA BATA!!!! GRRRRRRRR.....X__X

Linggo, Oktubre 11, 2015
"SABADO AT LINGGO"
SABADO^___^
Nanakit yung dalawang binti ko si Ledonio kasi! hay naku! ang hirap tuloy maglakad ,ikaw ba naman kasi pagiskwatin ng 60 beses ,aba! ewan ko na lang kung 'di mamaga yung mga binti mo pero ayos lang kasi naging masaya naman ako kasama yung mga kaibigan ko kahit na naging nakakapagod yung acting rehearsal sa thespian guild,kaya pa naman.
Hanggang pag-uwi ramdam ko pa rin yung sakit ,ano ba ito parusa ha?penitensya?ang aga naman ata para dun kaya pagdating ko sa bahay ay humilata na agad ako sa kwarto para ipahinga yung binti ko.
LINGGO^___^
Ang aga namin umalis sa bahay ni lola para magsimba at siya nga pala bukas na yung fiesta dito sa amin kaya nasasabik na ako sa mga maaaring mangyari lalo na yung mga pagkain at mga palaro ,tiyak na magugustuhan ito ng lahat .Kaabang-abang talaga itong fiesta sa amin at umaasa ako na sana mas maganda ito kaysa sa nakraang fiesta para mas masulit ng lhat ang pagkakataong ito.

"PABORITO KO SI TEACHER"
Ang paborito kong guro ay walng iba kundi si G. FERNANDO T. TIMBAL sapagkat sa kanya ko lang naranasan yung kakaibang pagtuturo,pagtuturo na sinasamahan nya ng pagiging ama.
Sa kanya lang din kami kinabahan ng sobra yung tipong kapag nasa hallway na siya ay natataranta na ang lahat at pinagpapawisan na ng malamig.Siguro nga may pagkaterror siya pero na umabot sa punto na napaiyak nya kami ,ilan nga ba ulit yung napiyak niya? isa,dalawa,tatlo,sa tingin ko lahat,OO! tama! lahat nga kami nung tinapon niya isa-isa yung big notebook namin pero sa bawat iyak na iyon ay alam naman namibn na ang gusto niya lang ay matuto kami sa aming kamalian.
Kahit na madalas niya kaming pagalitan ay hinding-hindi naman namin makakalimutan yung pagiging isang huwaran niyang ama sa amin na hindi lang kami basta tinuruan ng mga aralin bagkus pinakita sa amin ang realidad at katotohanan sa likod ng bawat pag-iyak.
Siguro nga walang perpektong ama,tao at guro, pero masasabi ko na siya ang paborito kong guro.
Lunes, Oktubre 5, 2015
"SANAYSAY-SAY"^__^
Bakit nga ba kailangang matutong gumawa ng sanaysay?
http://cdn.shopify.com/s/files/1/0255/7841/t/1/assets/blog_writing_essay-ideas.jpg?3890
Kailangan nating matutong gumawa ng sanysay upang mas maunawaan natin ang ganitong mga uri ng panitikan at para narin mas maunawaan natin ang nais ipabatid ng may akda .Kung matutunan natin ang paggawa ng sanaysay mas mapapalawak natin ang ating imahinasyon at ang pagiging malikhain o masining ,maaari rin natin matuklasan kung may talento ba tayo sa paglikha ng sanaysay.
Ang pagkakaroon ng karunungan sa paggawa ng sanaysay o iba pang uri ng panitikan ay hndi lang basta-basta sapagkat kung gagamitin natin ang kakayahang ito ng buong puso ay maaaring ito ang maging susi sa ating pagtatagumpay.

HER-SHE!^__^
Para sa akin ang palabas na ito ang nagpapakita ng kalagayan ng kababaihan ,kung ano ang meron sila ,at kung paano sila nagtagumpay.Sa palabas na ito ang mga atuhan ay nakulong sa ibat-ibang mga kaso na hindi naman nila ginawa .Makikita natin na dahil sa kalagayan nila sa lipunan ay ganun -ganun na lang sila kung tratuhin ,kayang -kaya palitan ng pera ang hustisya ganun pa man hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa bagkus tinanggap na lang nila ang kaparusahan na hindi naman para sa kanila .Hababg nasa kulungan sila ay natuto ng iba't-ibang mga gawaing mapagkakakitaan tulad na lamang ng paghahabi ,pagluluto at pagbabake .Hindi nagtagal silang lahat ay nakalaya na rin at sa kanilang paglaya ay natuto silang maging matapang ,manindigan at ipaglaban ang kanilang karapatan sa pamamgitan ng pagtatagumpay sa buhay .Nagtayo sila ng BAKERY SHOP na unti-unti nilang pinalago hanggang sa ang buhay nila ay nagbago na ganunpaman hindi pa rin nila kinalimutan ang kanilang tungkulin sa kanilang mga pamilya .Isa lang ito sa palabas na nagpapaangat sa mga kababaihan at nagpapakita ng realidad ng buhay .
Linggo, Setyembre 27, 2015
"It's all RIGHT!,SPECIFICALLY WOMEN RIGHT"
Sapat na nga ba ang mga karapatan na natatamasa ng mga kababaihan?
kung ako ang tatanungin ang kasagutan ay isang malaking "OO",BAKIT? sapagkat kita naman natin na ang dapat na lang nating isagawa ay makuntento ,makuntento sa mga pribelihiyo na ipinagkaloob sa atin,total pantay naman na ang pagtingin sa atin ng lipunan tulad ng pagtingin nila sa kalakihan na pinatunayan naman ng mga kababaihan na nakipagtagisan sa ibat-ibang larangan tulad na lamang ni Miriam Defensor Santiago at Grace Poe sa larangan ng pulitika,sa larangan naman ng sports ay nariyan si Alyssa Valdez at Manny Pacquiao,sa musika naman ay kilalang -kilala si Lea Salonga at Regine Velasco Alcasid at marami pang kababaihan sa iba pang mga larangan .
Napakalaki na ng ginampanan ng kababaihan sa ating lipunan at sa ating kasaysayan ,malayong -malayo sa papel ng kababaihan noon at ang lahat ng iyon ay nakamit at napagtagumpayan namin dahil sa mga karapatan na ipinagkaloob sa amin kaya sa tingin ko ay sapat na ang lahat ng ito ,basta lagi nating pakatatandaan na dapat nating pahalagahan at gamitin sa tama ang mga karapatang ito nang sa gayon ay magampanan natin ang ating tungkulin sa ating lipunan bilang isang babae at isang mamayan.

Martes, Setyembre 22, 2015
10 bagay na nais kong gawin sa KOREA^___^
Isa sa nais kong mapuntahan ay ang bansang Korea at kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makapunta dito ay ito ang sampung bagay na gagawin ko.
1.Maglulumpasay sa snow.
2.Kakain ng snow.
3.Magiiski sa Winter Wonderland.
4.Pupunta sa Seoul City.
5.Kakain ng Pajeon.
6.Makain ang 100 uri ng kimchi.
7.Makasali sa isang Mud festival.
9.Matikman ang mga street food dito.
10.Makipaglaro sa mga pusa sa Cat Cafe.
ANG ALAMAT NG PINYA
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinya, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.
MALUPIT NA PAGMAMALUPIT
"Cruelty to animals"
Bakit ba kailangan saktan at paglaruan ang mga hayop ?
kapag napagtripan ba natin sila ay gagawin na lang natin yung gusto nating gawin?.Minsan naisip ba natin na may buhay din sila,may puso at may isip pero hindi nga lang natin sila katulad kung magisip pero ganun pa man ay may malaki rin silang ambag sa ating kalikasan ,lipunan ,at sa ating mga buhay.Masakit man isipin na may mga taong nagagawang manakit at pumatay ng mga hayop ng walang kalunos-lunos ,'di man lang nahabag sa mga hayop na nahihirapan dahil sa pagmamalupit ng mga tao .Ehh! pa'no kung baliktarin natin ang sitwasyon na yung tao ang magiging hayop at sila rin yung pagmamalupitan,'DI BA ANG SAYA!!!.Sa lahat ng taong natitiis manakit ng hayop 'di niyo ba naisip na sa ginagawa niyo ay kayo ang naguugaling hayop na sa halip na pinagkakatuwaan niyo ang pagmamalupit sa hayop ay bakit 'di niyo na lang isipin kung paano sila mapangangalagaan at mamahalin.
Lunes, Agosto 31, 2015
Paano ba magpahayag ng damdamin?
Para din yang LOVE ,kapag may minamahal ang isang tao masasabi natin na gustong -gusto natin na natin siya pero kapag nandiyan naman si girl/boy ay bumabaliktad ang plano ,nauunahan tayo ng kaba kasi nga buo ang isipan mo pero 'di naman buo ang loob mo! kaya sa huli magsisi ka dahil naunahan ka na ng iba.
Nasa huli talaga ang pagsisi kaya kung ako sayo sabihin mo na ang dapat mong sabihin ,ipahayag mo na ang dapat mong ipahayag nang sa ganon ay hindi ka maunahan ng iba at para 'di mauwi ang lahat sa wala.
Marami namang paraan para magpahayag ,nandiyan ang social media isang kapakipakinabang na midyum basta lagi nating tatandaan ang tamang paggamit rito.
Lunes, Agosto 24, 2015
Na-BOB-aliw na ko!---^__^
BOB-ONG,BOB MARLEY AT SPONGE BOB, napakarami ngang BOB sa mundo pero iba talaga 'tong BOB na 'to noong una puro biro lang talaga pero bakit ganon nag-iba ang ihip ng hangin .'Pag wala siya daig ko pa ang kiti-kiting laot sa sobrang likot pero nung nandyan na siya ANYARE?,SIGN na nga ba 'to?
PINTUAN,pintuan lang aming pagitan ,nagkakarinigan kung kaya sa videoke ko na lang siya pinaringgan.Hugot talaga yung mga kanta na pinili ko para makaramdam naman siya .Simulan ba naman sa DESTINY,COOL OFF,I'M NOT THE ONLY ONE at ang pinakahuli ay MANHID KA! tapos nang biglang bumukas ang mahiwagang pinto ay makikita ko siya na naka-headset....WHAAAAHHH!,NASAAN ANG HUSTISYA!?halos malaglag na ang ngala-ngala ko tapos ganun lang ,ANO 'TO LOKOHAN ?
At sa wakas muling bumukas ang pinto at yun nakita ko siya na nakahiga lang at walang ginagawa .Napagisip-isip ko na sa dinamirami ba naman ng Bob sa mundo siya pa ,wala namang espesyal sa kanya pero iba talaga siya ,'di ko rin siya ganun kakilala ng lubos pero naniniwala naman ako na isang siyang mabuting tao dahil kitang -kita naman sa kanyang mama kung paano siya pinalaki .
Para na rin akong nakain ng ice cream sa 7 eleven sa tuwing masusulyapan ko ang kanyang mukha pero hanggang ngayon eto pa rin ako nakaabang sa muling pagbubukas ng pinto.Hanggang sa matapos na ang huling kanta na nakasalang sa videoke at ibig sabihin nun ,uuwi na kami pero sinuwerte pa rin ako kasi dahil sa huling saglit ay nakita ko siyang muli at sa puntong 'to KOTA NA KO!^__^.HANGGANG SA MULING PAGBUBUKAS NG MAHIWAGANG PINTO......
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)