Linggo, Setyembre 27, 2015

"It's all RIGHT!,SPECIFICALLY WOMEN RIGHT"

Sapat na nga ba ang mga karapatan na natatamasa ng mga kababaihan?
kung ako ang tatanungin ang kasagutan ay isang malaking "OO",BAKIT? sapagkat kita naman natin na ang dapat na lang nating isagawa ay makuntento ,makuntento sa mga pribelihiyo na ipinagkaloob sa atin,total pantay naman na ang pagtingin sa atin ng lipunan tulad ng pagtingin nila sa kalakihan na pinatunayan naman ng mga kababaihan na nakipagtagisan sa ibat-ibang larangan tulad na lamang ni Miriam Defensor Santiago at Grace Poe sa larangan ng pulitika,sa larangan naman ng sports ay nariyan si Alyssa Valdez at Manny Pacquiao,sa musika naman ay kilalang -kilala si Lea Salonga at Regine Velasco Alcasid at marami pang kababaihan sa iba pang mga larangan .

Napakalaki na ng ginampanan ng kababaihan sa ating lipunan at sa ating kasaysayan ,malayong -malayo sa papel ng kababaihan noon at ang lahat ng iyon ay nakamit at napagtagumpayan namin dahil sa mga karapatan na ipinagkaloob sa amin kaya sa tingin ko ay sapat na ang lahat ng ito ,basta lagi nating pakatatandaan na dapat nating pahalagahan at gamitin sa tama ang mga karapatang ito nang sa gayon ay magampanan natin ang ating tungkulin sa ating lipunan bilang isang babae at isang mamayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento