Hindi ako yung tipo ng anak na bukas ang saloobin pagdating sa aking mga magulang pero sa unang pagkakataon na sasabihin ko ang mga bagay na ito ay sana maunawaan niyo ako.
Para kay mama ,maraming -maraming salamat sa pag-aaalaga mo sa akin.Kahit na halos sa school na ko tumira at kahit na halos lumabas at magkagalit-galit na ang ugat mo sa binti ay nariyan ka parin para paghandaan ako ng pagkain ng gamit at iba pa.Hinding-hindi ko malilimutan yung mga araw na parehas tayong may sakit pero 'di mo pa rin ako pinabayaan para makapagpahinga ka na lang bagkus binantayan mo ako kung patuloy pa rin bang tumataas ang lagnat ko, kahit na giniginaw at tinatrangkaso ka na rin .Wala na akong hihilingin pa sa isang nanay na aktulad mo kaya wala talaga akong karapatan na magalit sayo sa minsan mo akong kagalitan kasi mas may karapatan....sumasakit yung lalamunan at dibdib ko habang nagta-type yung para bang nagpipigil ka ng iyak. I LOVE YOU MA!
Para naman kay papa ....siguro nga nagagalit ako sayo ng madalas pero hinding-hindi pa rin nawawala ang bagay na nagpapaalala sa akin na anak mo lang ako at papa kita,ikaw naman kasi ...eh ayoko sanang magtanim ng galit sayo pero ikaw rin kasi minsan ang gumagawa ng paraan para lumayo ang loob ko sayo .Tanggap ko naman na may pagkastrikto ka pero wag ka naman sana magalit sa akin ng hindi mo pa alam kung ano naman ang nararamdaman ko.Nagpapasalamat ako para sa mga ginawa mo para sa amin bilang isan ama ,malaking bagay ang mga iyon para matuto kami sa buhay.Paano na lang siguro kami kung wala ka?siguro wala ako ngayon dito sa computer shop habang gumagawa ng sulatin para sa inyo ni mama.Siguro ito ang tamang panhon para sabihin ko sayo na mahal na mahal kita sa likod ng mga nagawa kong masama at sa mga ginawa mong ikinasama ng loob ko.Kahit papaano umaayos naman na ang relasyon nating mag-ama kaya pa! sorry po sa lahat at MAHAL NA MAHAL KITA!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento