Lunes, Agosto 31, 2015

Paano ba magpahayag ng damdamin?







Ang pagpapahayag ng damdamin ay parang pagsagot sa klase na minsan kahit alam mo yung sagot sa tanong ng guro ay nagaalinlangan ka pa rin na magtaas ng kamay at sumagot sa tanong hanggang sa maunahan ka ng iba .
Para din yang LOVE ,kapag may minamahal ang isang tao masasabi natin na gustong -gusto natin na natin siya pero kapag nandiyan naman si girl/boy ay bumabaliktad ang plano ,nauunahan tayo ng kaba kasi nga buo ang isipan mo pero 'di naman buo ang loob mo! kaya sa huli magsisi ka dahil naunahan ka na ng iba.

Nasa huli talaga ang pagsisi kaya kung ako sayo sabihin mo na ang dapat mong sabihin ,ipahayag mo na ang dapat mong ipahayag nang sa ganon ay hindi ka maunahan ng iba at para 'di mauwi ang lahat sa wala.

Marami namang paraan para magpahayag ,nandiyan ang social media isang kapakipakinabang na midyum basta lagi nating tatandaan ang tamang paggamit rito.

Lunes, Agosto 24, 2015

Na-BOB-aliw na ko!---^__^









Resulta ng larawan para sa bob ong






Image result for bob marley photo







Resulta ng larawan para sa spongebob



BOB-ONG,BOB MARLEY AT SPONGE BOB, napakarami ngang BOB sa mundo pero iba talaga 'tong BOB na 'to noong una puro biro lang talaga pero bakit ganon nag-iba ang ihip ng hangin .'Pag wala siya daig ko pa ang kiti-kiting laot sa sobrang likot pero nung nandyan na siya ANYARE?,SIGN na nga ba  'to?

Image result for magical door image


PINTUAN,pintuan lang aming pagitan ,nagkakarinigan kung kaya sa videoke ko na lang siya pinaringgan.Hugot talaga yung mga kanta na pinili ko para makaramdam naman siya .Simulan ba naman sa DESTINY,COOL OFF,I'M NOT THE ONLY ONE at ang pinakahuli ay MANHID KA! tapos nang biglang bumukas ang mahiwagang pinto ay makikita ko siya na naka-headset....WHAAAAHHH!,NASAAN ANG HUSTISYA!?halos malaglag na ang ngala-ngala ko tapos ganun lang ,ANO 'TO LOKOHAN ?

At sa wakas muling bumukas ang pinto at yun nakita  ko siya na nakahiga lang at walang ginagawa .Napagisip-isip ko na sa dinamirami ba naman ng Bob sa mundo siya pa ,wala namang espesyal sa kanya pero iba talaga siya ,'di ko rin siya ganun kakilala ng lubos pero naniniwala naman ako na isang siyang mabuting tao dahil kitang -kita naman sa kanyang mama kung paano siya pinalaki .




Para na rin akong nakain ng ice cream sa 7 eleven sa tuwing  masusulyapan ko ang kanyang mukha pero hanggang ngayon eto pa rin ako nakaabang sa muling pagbubukas ng pinto.Hanggang sa matapos na ang huling kanta na nakasalang sa videoke at ibig sabihin nun ,uuwi na kami pero sinuwerte pa rin ako kasi dahil sa huling saglit ay nakita ko siyang muli at sa puntong 'to KOTA NA KO!^__^.HANGGANG SA MULING PAGBUBUKAS NG MAHIWAGANG PINTO......

Lunes, Agosto 17, 2015

KULANG PA BA????!!!!!!!!!!

Minsan napagisip-isip ko kung bakit siya pa ang naging magulang ko,yung ama na lasinggero,walang pakialam ,at ayaw mapagsabihan ng kung sino.Halos magkanda-kuba na nga ako sa pagbitbit ng bag ko araw-araw tapos 'pag uwi mo sermon ang aabutin ko sa kanya dahil lasing na naman siya .Inaamin ko 'di ako yung tipo ng anak na perpekto at isang halimbawa ng mabuting anak pero ako na lang ba ang laging mali?ako na lang ba ang laging may kasalanan ?.Inaamin ko rin na paminsan -minsan ay nakakasagot ako sa kanya ng pabalang pero ni minsan ba tinanung niya ang kanyang  sarili kung bakit ako nagkakaganito at kung ano ba ang  pinaggagawa niya .HINDI,HINDI !!!!!!dahil hanggang ngayon ganyan pa rin ang trato niya sa'kin .Ayos lang sakin na maging lasinggero siya basta nasa lugar yung hindi na niya kailangan pang magwala at mag juromentado na umabot sa punto ng paghahanap ng kaaway at magtawag ng matapang .Laking pasalamat ko na lang sa diyos kung uuwi siya na hindi ako mapagbuntungan ,kundi masampal ,mabatukan o 'di kaya masuntok sa kahit anong parte ng katawan .Buhay na buhay ako sa takot at pangamba sa sarili kong ama ayoko mang magtanim ng hinanakit ay dito ko na lang ilalabas nang sa gayon ay mabawasan man lang sama ng loob ko.'Di ako naghahangad ng perpektong ama ,ang nais ko lang ang pagmamahal niya at pagpapahalaga.BUTI PA SILA !!!,BUTI PA NGA SILA!!.

UNANG MARKAHAN^___^

Noong una pa lang inaasahan ko ng magiging mahirap itong unang markahan ngunit nagkamali ako ng inaakala dahil mas mahirap pala dun sa iniisip ko.Kung naging mahirap ang ikawalong baitang ,akalain mo ba na unang markahan palang ito pero halos sumabog na ang utak ko sa mga gawain sa iba't -ibang asignatura na minsan ay nagkakasabay pa nga pero ganun pa man ay kinaya naman .Masakit nga sa ulo  'tong unang markahan kaya marami sa amin ang umabot sa punto na nagkakasakit na at isa rin ako dun pero sa likod nvg mga ito ay may mga tawanan ,kulitan,harutan,at iba pang mga bagay na nagpapatibay ng aming samahan .Sa araw -araw na pagtatagisan ng talino at abilidad ay kitang -kita ang mga estudyante na nangingibabaw sa klase kahit na kadalasan ay madaling araw na kami matulog, ganun pa man ay naging produktibo ang paghihirap ng bawat isa.

Lunes, Agosto 10, 2015

MAIKLING KWENTO ^___^"PINANG PINYA"

ANG ALAMAT NG PINYA















Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinya, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.
------yan ang isa sa pinakapaborito kong bukod sa napakaganda ng nilalaman nito ay may mapupulot pang aral ang mga mambabasa.binigyang diin dito ang karakter ni Pina ,isang anak na tamad at batugan dahil laging ang ina lamang niya ang kumikilos sa kanilang bahay kaya ng minsang magkasakit ang kanyang ina ay napilitan s'yang gumawa ng gawaing bahay ngunit ang simpleng paghahanap lang ng kasangkapan ay hindi n'ya pa magawa ng tama ,maging ang kanyang ina na may sakit ay nagawa niya pang kulitin sa pagtatanong ng kung ano-ano .Ang ugaling pinakita ni Pina ay isa rin sa ugali ng mga pilipino na sa halip na magtanong ng magtanong o magreklamo ,bakit 'di natin gamitin ang ating mata sa paghahanap imbes na ang bibig .Pagiging tamad ,pagiging tamad na dapat supilin partikular sa mga kabataan ,sana  'wag tayo mabuhay sa katamaran dahil sa gantong sitwasyon ay wala tayong patutunguhan.