Huwebes, Oktubre 29, 2015

SEMBREAK^____^

Image result for sembreak template




YES!sembreak na ,panahon na ng pagpapahinga at pagbabawi ng tulog teka may pahinga nga ba ???
Ito ang 10  bagay na gagawin ko ngayong sembreak....

1. Magpuyat-matutulog ako kung anong oras ko gusto matulog kasi noong may pasok pa hindi ako makapagpuyat kasi maaga ang pasdok ko kaya ngayon susulitin ko ang isang linggong pahinga.

Image result for watching tv

2.Manood mg TV -gusto kong manood ng tv lalo na't hindi na rin ako nakakapanood ng  mga paborito kong palabas tulad ng  "OTWOL" at "TWILIGHT" puro na lang kasi papel at notebook ang kaharap ko ni hindi ko na rin naabutan ang paborito kong palabas kasi hindi na kinakayang mata ko,pagkatapos ng mga assignments at projects ay bagsak na agad ako.


Image result for trip for vacation

3. GUMALA-gusto ko ring pumunta sa ibang lugar tulad sa Bicol o 'di kaya sa Angono na lang para maiba naman yung setting nakakasawa rin kasi yung laging bahay na lang at school ang napupuntahan ko,wala ng bago kaya nakakaboring din.



4.KUMAIN NG KUMAIN-gusto kong kumain ng marami ,gusto kong magpakabusog kasi madalas noong may pasok pa ay nalilipasan ako ng kain sa dami ng mga gawain at dahil sa mga rush activities .Maisip ko lang yung mga pagkain na paborito ko eh ...halos maglaway na ko sa gutom.



5.MAG-ARAL-kahit sembreak na hindi pa rin mawawala ang mga gawain sa paaralan kaya kahit panahon na para magpahinga mapipilitan pa rin akong gawin yung mga  gawain .


Image result for theater play

6.THESPIAN-bibigyan ko rin ng panahon yung pag-arte ko para sa aking karakter sa darating na araw ng pagtatanghal.Kinakabahan pa naman ako kung  magagampanan ko ba yung aking karakter ng maayos...CHALLENGE NA NAMAN ITO!





7.TUMULONG KAY NANAY-nakakaawa na kasi si mama lagi na lang siya yung gumagalaw sa bahay kasi tambak din yung mga gawain ko sa school kaya wala na kong masyadong naitutulong sa mga gawaing bahay kaya ngayon babawi ako para mabawasan naman yung problema niya.


heart shaped braid tutorial

8.BRAID PA MORE!-masyado na kasi akong naadik sa mga braid tutorials at saka ito rinc ang nagsisilbi kong libangan kaya ipinagpapatuloy ko na lang ito kasi hilig ko talaga ang mangalikot ng  buhok .






9.MAG-IPON-dahil malapit na ang aking kaarawan kailangan ko ng mag-ipon ng pera para kahit sila mama ang gagastos para sa pagkain ay kahit papaano ay may panggala ako at saka para payagan na nila  ako maglakwatsa kasi sarili ko namang pera.



Resulta ng larawan para sa family bonding


10.FAMILY BONDING-halos sa school na kasi ako tumira kaya ngayong sembreak ay mas bibigyan ko  muna ng panahon yung pamilya ko.

....AT YAN ANG 10 BAGAY NAQ GUSTO KONG GAWIN NGAYONG SEMBRERAK!!!!^___^




Lunes, Oktubre 12, 2015

AKALA KO AKO LANG!!!^___^

GRABE!!!  ka Ledonio  akala ko ako lang   yung nagdudusa sa parusa mo  pati pala yung iba ,kawawa kaming lahat sayo . 
Buong sabado hanggang linggo namamaga yung binti ko kaya sabi tuloy ni mama "ANO BANG NANGYARI SAYO  ?,SUMALI KA BA SA FRATERNITY IKAW HA!? PARA KANG NAPADEL "  hahahah^__^grabe si mama mag-react ang O.A. naman pero grabe ka talaga  Ledonio kung nasa    sitwasyon ka namin ngayon baka umiyak ka pa sa sakit ang hirap maglakad ,eh..  bundok pa naman samin  haiyyy....LEDONIO!!!!!



OH ,LAGOT KA SA BATA!!!!   GRRRRRRRR.....X__X

Linggo, Oktubre 11, 2015

"SABADO AT LINGGO"

SABADO^___^

Nanakit yung dalawang binti ko si Ledonio kasi! hay naku! ang hirap tuloy maglakad ,ikaw ba naman kasi pagiskwatin ng 60 beses ,aba! ewan ko na lang kung 'di mamaga yung mga binti mo pero ayos lang kasi naging masaya naman ako kasama yung mga kaibigan ko kahit na naging  nakakapagod yung acting rehearsal sa thespian guild,kaya pa naman.

Hanggang pag-uwi ramdam ko pa rin yung sakit ,ano ba ito parusa ha?penitensya?ang aga naman ata para dun kaya pagdating ko sa bahay ay humilata na agad ako sa kwarto para ipahinga yung binti ko.



LINGGO^___^

Ang aga namin umalis sa bahay ni lola para magsimba at siya nga pala bukas na yung fiesta dito sa amin kaya nasasabik na ako sa mga maaaring mangyari lalo na yung mga pagkain at mga palaro ,tiyak na magugustuhan ito ng lahat .Kaabang-abang talaga itong fiesta sa amin at umaasa ako na sana mas maganda ito kaysa sa nakraang fiesta para mas masulit ng lhat ang pagkakataong ito.

"PABORITO KO SI TEACHER"



Ang paborito kong guro ay walng iba kundi si G. FERNANDO T. TIMBAL sapagkat sa kanya ko lang naranasan yung kakaibang pagtuturo,pagtuturo na sinasamahan nya ng pagiging ama.
Sa kanya lang din kami kinabahan ng sobra yung tipong kapag nasa hallway na siya ay natataranta na ang lahat at pinagpapawisan na ng malamig.Siguro nga may pagkaterror siya pero na umabot sa punto na napaiyak nya kami ,ilan nga ba ulit yung napiyak niya? isa,dalawa,tatlo,sa tingin ko lahat,OO! tama! lahat nga kami nung tinapon niya isa-isa yung big notebook namin pero sa bawat iyak na iyon ay alam naman namibn na ang gusto niya lang ay matuto kami sa aming kamalian.


Kahit na madalas niya kaming pagalitan ay hinding-hindi naman namin makakalimutan yung pagiging isang huwaran niyang ama sa amin na hindi lang kami basta tinuruan ng mga aralin bagkus pinakita sa amin ang realidad at katotohanan sa likod ng bawat pag-iyak.
Siguro nga walang perpektong ama,tao at guro, pero masasabi ko na siya ang paborito kong guro.

Lunes, Oktubre 5, 2015

"SANAYSAY-SAY"^__^

Bakit nga ba kailangang matutong gumawa ng sanaysay?


http://cdn.shopify.com/s/files/1/0255/7841/t/1/assets/blog_writing_essay-ideas.jpg?3890

Kailangan nating matutong gumawa ng sanysay upang mas maunawaan natin ang  ganitong mga uri ng panitikan at para narin mas maunawaan natin ang nais ipabatid ng may akda .Kung matutunan natin ang paggawa ng sanaysay mas mapapalawak natin ang ating imahinasyon at ang pagiging malikhain o masining ,maaari rin natin matuklasan kung may talento ba tayo sa paglikha ng sanaysay.

Ang pagkakaroon ng karunungan sa paggawa ng sanaysay o iba pang uri ng panitikan ay hndi lang basta-basta sapagkat kung gagamitin natin ang kakayahang ito ng buong puso ay maaaring ito ang maging susi sa ating pagtatagumpay.

HER-SHE!^__^

http://s17.postimg.org/7feh9beq7/Legend_Witch_final_11_800x450.jpg



Para sa akin ang palabas na ito ang nagpapakita ng kalagayan ng kababaihan ,kung ano ang meron sila ,at kung paano sila nagtagumpay.
Sa palabas na ito ang mga atuhan ay nakulong sa ibat-ibang mga kaso na hindi naman nila ginawa .Makikita natin na dahil sa kalagayan nila sa lipunan ay ganun -ganun na lang sila kung tratuhin ,kayang -kaya palitan ng pera ang hustisya ganun pa man hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa bagkus tinanggap na lang nila ang kaparusahan na hindi naman para sa kanila .Hababg nasa kulungan sila ay natuto ng iba't-ibang mga gawaing mapagkakakitaan tulad na lamang ng paghahabi ,pagluluto at pagbabake .Hindi nagtagal silang lahat ay nakalaya na rin at sa kanilang paglaya ay natuto silang maging matapang ,manindigan at ipaglaban ang kanilang karapatan sa pamamgitan ng pagtatagumpay sa buhay .Nagtayo sila ng BAKERY SHOP na unti-unti nilang pinalago hanggang sa ang buhay nila ay nagbago na ganunpaman hindi pa rin nila kinalimutan ang kanilang tungkulin sa kanilang mga pamilya .Isa lang ito sa palabas na nagpapaangat sa mga kababaihan at nagpapakita ng realidad ng buhay .