Sabado, Nobyembre 21, 2015

"unang konpesyon para sa inyo"

Hindi ako yung tipo ng anak na bukas ang saloobin pagdating sa aking mga magulang pero sa unang pagkakataon na sasabihin ko ang mga bagay na ito ay sana maunawaan niyo ako.

Para kay mama ,maraming -maraming salamat sa pag-aaalaga mo sa akin.Kahit na halos sa school na ko tumira at kahit na halos lumabas at magkagalit-galit na ang ugat mo sa binti ay nariyan ka parin para paghandaan ako ng pagkain ng gamit at iba pa.Hinding-hindi ko malilimutan yung mga araw na parehas tayong may sakit pero 'di mo pa rin ako pinabayaan para makapagpahinga ka na lang bagkus binantayan mo ako kung patuloy pa rin bang tumataas ang lagnat ko, kahit na giniginaw at tinatrangkaso ka na rin .Wala na akong hihilingin pa sa isang nanay na aktulad mo kaya wala talaga akong karapatan na magalit sayo sa minsan mo akong kagalitan kasi mas may karapatan....sumasakit yung lalamunan at dibdib ko habang nagta-type yung para bang nagpipigil ka ng iyak. I LOVE YOU MA!


Para naman kay papa ....siguro nga nagagalit ako sayo ng madalas pero hinding-hindi pa rin nawawala ang bagay na nagpapaalala sa akin na anak mo lang ako at papa kita,ikaw naman kasi ...eh ayoko sanang magtanim ng galit sayo pero ikaw rin kasi minsan ang gumagawa ng paraan para lumayo ang loob ko sayo .Tanggap ko naman na may pagkastrikto ka pero wag ka naman sana magalit sa akin ng hindi mo pa alam kung ano naman ang nararamdaman ko.Nagpapasalamat ako para  sa mga ginawa mo para sa amin bilang isan ama ,malaking bagay ang mga iyon para matuto kami sa buhay.Paano na lang siguro kami kung wala ka?siguro wala ako ngayon dito sa computer shop habang gumagawa ng sulatin para sa inyo ni mama.Siguro ito ang tamang panhon para sabihin ko sayo na mahal na mahal kita sa likod ng mga nagawa kong masama at sa mga ginawa mong ikinasama ng loob ko.Kahit papaano umaayos naman na ang relasyon nating mag-ama kaya pa! sorry po sa lahat at MAHAL NA MAHAL KITA!

Sabado, Nobyembre 14, 2015

"Pahinga po tayo!"^___^-sabado at linggo***



Sabado at Linggo ,dalawang araw na inilaan sa lahat para makapagpahinga matapos ang limang araw na punong-puno ng mga gawain.....pero BAKIT 'DI KO DAMA!?

Paano buong sabado at linggo ay nagbabawi ako sa mama ko kasi wala na raw akong silbi sa bahay halos sa school na raw ako tumira,HAHAHA!!!
OKAY SIGE!
magluto-check
maglaba-check
magsampay-check
maghugas ng plato-check
maglinis ng bahay-check
MAGPAHINGA-Ewan?meron ba nun?

Pero ayos lang ganyan talaga ang buhay!lunes na pala bukas hala! wala pa akong gawa sa TLE..Lord tulong po plsss....

"PANGAKONG HINDI MAPAPAKO"




Bilang isang estudyante ang tatahakin ko tungkol sa pangako ng diyos  ay kung ano ang nararapat ,kung ano ang makabubuti sa akin at sa aking kapwa  .Anuman ang mangyari ,ano man ang problemang dumating na maaaring gumiba sa aking pananampalataya ay hindi pa rin ako padadaig hangga't alam kong nariyan siya sa tabi ko at sa puso ko ay walang makakapigil  sa akingv naguumapaw na pagmamahal at tiwal sa kanya.Alam ko na kahit mapako na ang lahat ng pangako sa mundo ,isama mo pa ang "PANGAKO SAYO" hinding -hindi pa vrin mapapako ang pangako ng diyos.

"REALISASYON TUNGKOL SA PARABULA NG BANGA"



Hindi namang masama ang makisama at makisabay sa hindi mo kapantay,kauri o kalibel, ang mahalaga ay alam mo yung ginagawa mo yung wala kang natatapakang tao pero kapag ikaw na ang natapakan dapat siguro matuto ka na sa iyong karanasan at magising sa katotohanan na .Dapat mong isaalang -alang kung saan ka ba dapat lumugar ,kung saan ka nararapat, dahil kung patuloy mo lang ipagpipilitan ang gusto mo ay baka sa huli ikaw at ikaw pa rin ang masasaktan .Masaki mang isipin na  kahit sabihin pa natin na lahat ay pantay-pantay,hindi pa rin nito maitatago ang katototahan na malabo iyong mangyari kung maraming tao ang mananatiling mapangmata at mapagmataas.