Sapat na nga ba ang mga karapatan na natatamasa ng mga kababaihan?
kung ako ang tatanungin ang kasagutan ay isang malaking "OO",BAKIT? sapagkat kita naman natin na ang dapat na lang nating isagawa ay makuntento ,makuntento sa mga pribelihiyo na ipinagkaloob sa atin,total pantay naman na ang pagtingin sa atin ng lipunan tulad ng pagtingin nila sa kalakihan na pinatunayan naman ng mga kababaihan na nakipagtagisan sa ibat-ibang larangan tulad na lamang ni Miriam Defensor Santiago at Grace Poe sa larangan ng pulitika,sa larangan naman ng sports ay nariyan si Alyssa Valdez at Manny Pacquiao,sa musika naman ay kilalang -kilala si Lea Salonga at Regine Velasco Alcasid at marami pang kababaihan sa iba pang mga larangan .
Napakalaki na ng ginampanan ng kababaihan sa ating lipunan at sa ating kasaysayan ,malayong -malayo sa papel ng kababaihan noon at ang lahat ng iyon ay nakamit at napagtagumpayan namin dahil sa mga karapatan na ipinagkaloob sa amin kaya sa tingin ko ay sapat na ang lahat ng ito ,basta lagi nating pakatatandaan na dapat nating pahalagahan at gamitin sa tama ang mga karapatang ito nang sa gayon ay magampanan natin ang ating tungkulin sa ating lipunan bilang isang babae at isang mamayan.
Linggo, Setyembre 27, 2015
Martes, Setyembre 22, 2015
10 bagay na nais kong gawin sa KOREA^___^
Isa sa nais kong mapuntahan ay ang bansang Korea at kung mabibigyan ako ng pagkakataon na makapunta dito ay ito ang sampung bagay na gagawin ko.
1.Maglulumpasay sa snow.
2.Kakain ng snow.
3.Magiiski sa Winter Wonderland.
4.Pupunta sa Seoul City.
5.Kakain ng Pajeon.
6.Makain ang 100 uri ng kimchi.
7.Makasali sa isang Mud festival.
9.Matikman ang mga street food dito.
10.Makipaglaro sa mga pusa sa Cat Cafe.
ANG ALAMAT NG PINYA
Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pina. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.
Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinya, Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.
MALUPIT NA PAGMAMALUPIT
"Cruelty to animals"
Bakit ba kailangan saktan at paglaruan ang mga hayop ?
kapag napagtripan ba natin sila ay gagawin na lang natin yung gusto nating gawin?.Minsan naisip ba natin na may buhay din sila,may puso at may isip pero hindi nga lang natin sila katulad kung magisip pero ganun pa man ay may malaki rin silang ambag sa ating kalikasan ,lipunan ,at sa ating mga buhay.Masakit man isipin na may mga taong nagagawang manakit at pumatay ng mga hayop ng walang kalunos-lunos ,'di man lang nahabag sa mga hayop na nahihirapan dahil sa pagmamalupit ng mga tao .Ehh! pa'no kung baliktarin natin ang sitwasyon na yung tao ang magiging hayop at sila rin yung pagmamalupitan,'DI BA ANG SAYA!!!.Sa lahat ng taong natitiis manakit ng hayop 'di niyo ba naisip na sa ginagawa niyo ay kayo ang naguugaling hayop na sa halip na pinagkakatuwaan niyo ang pagmamalupit sa hayop ay bakit 'di niyo na lang isipin kung paano sila mapangangalagaan at mamahalin.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)