Linggo, Hulyo 26, 2015

"Niyanig ng Kamalian--EARTHQUAKE DRILL-__-"

Kung tutuusin nga ay napakahalaga ng pagsasagawa ng "Earthquake Drill" upang maging handa tayo kung sakaling makaranas man tayo ng lindol ngunit sa aktwal na pangyayari kaya ay maisagawa natin ang mga dapat gawin lalo na ang "DUCK,COVER at HOLD".Kung sa Earthquake Drill nga ay nagkakaroon pa ng mga aberya at pumapalpak tayo ,doon pa kaya sa mismong lindol baka nga ang iba ay magmadaling umalis sa kinatatayuan nila kung maramamdaman nila ang unang pagyanig o 'di kaya ang iba ay magpanik at mataranta pa at higit sa lahat maaaring 'di nila magawang iligtas ang kanilang sarili dahil sa pagkaipit sa stampid.Hindi ka nga namatay sa lindol,namatay ka naman sa stampid.Isa pa sa napansin ko ay habang isinasagawa natin ang Earthquake Drill ay may ilan pang mga estudyante na nagagawa pang magharutan ,magkwentuhan ,magbiruan at "magselfie", ang ilan naman ay" nagpapabebe" pa ,daig pa ang pagong kung kumilos,kung sa tunay na buhay iyon ay baka nadaganan o natabunan na sila ng mga gumuhong gusali .Oo,isinasagawan natin ang Earthquake Drill ,halos lahat ay nakikilahok rito pero naisasabuhay ba  natin ito ng maayos ? o ginagawa lang natin itong katatawanan ?,kung sa tunay na pangyayari magawa pa kaya natin ang magbiruan at magharutan ?kaya dapat ang mga bagay na ito ay isinasabuhay at siniseryoso dahil maaaring ito ang maging susi natin upang maging ligtas sa mga sakuna tulad ng lindol .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento