Lunes, Marso 14, 2016

susunod o ipaglalaban???

Kung ako ang papipiliin ay mas gugustuhin ko pa ang sundin ang nais ng aking mga magulang sapagkat alam ko at naniniwala ako na ang tanging nais ng mga magulang ay ang makabubuti sa kanyang mga anak kaya nagtitiwala ako sa anomang desisyon ng aking mga magulang para sa amin dahil alam ko rin na ang kapakanan lang namin ang iniisip ng aming mga magulang kung kaya't mas mainam ng sumunod kaysa sumuway at ipaglaban ang pansarili mong kagustuhan.

EDSA REVOLUTION😐

EDSA revolution???

Ang Pebrero 25 ay hindi lang makasaysayan para sa aming pamilya ito rin ay punong -puno ng kasiyahan sapagkat ito ay kaarawan ng aking bunsong kapatid.Nariyan ang handaan at selebrasyon ngunit hinding hindi namin makakalimutan ang tunay na kahalagahan ng araw na ito at ito ay ang muling pag alala sa mga kaganapan sa mga panahong ito na hindi dapat nating iwaglit sa isipan .Hindi ko man naabutan ang eksaktong kaganapan sa tagpong ito ay ramdam ko pa rin ang presensya at kahalagahan ng EDSA revolution.

Linggo, Enero 17, 2016

"Matutong magpahalaga sa mga taong may nagawa"-Rizal

Sa panahon ng kastila naipakita ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa bayan sa paraang alam niyang walang masasaktan o  madadamay at yun ang paggawa ng mga akda na bumabatikos sa pagmamalupit ng mga espanyol.

Umabot sa sukdulan ang kanyang paninindigan para sa bayan kaya kahit ang  buhay niya ay buong puso niyang inilaan .

Ngayon ,narito ang bagong henerasyon na siyang minsang itinanyag ni Rizal at sinabi niya na "ANG KABATAAN AY ANG PAG-ASA NG BAYAN" mga katagang dapat nating patunayan di lang sa lahat lalong -lalo na kay Rizal na naniwala sa kakayahan nating mga kabataan at para na rin kahit papaano ay mabigyan natin ng hustisya ang kanyang pagbubuwis ng buhay.Sa paraang ito ay maipapakita natin ang ating pagpapahalaga sa mga kadakilaang ginawa niya sa ating bansa.

Gamitin rin nating gabay ang mga prinsipyo na ibinahagi ni Rizal gamit ang kanyang mga akda.Malaking tulong ang mga aral at mga payo niya lalo na sa ating mga kabataan sa pagtahak ng atin mga landas bilang mga susunod na mga lider at  mga taong may mahalagang tungkulin sa ating inang bayan.😘😘😘

Martes, Disyembre 29, 2015

bakasyon!!! (♡˙︶˙♡)

Hello! Nakakaboring pala kapag kain, tulog, cellphone, kain ulit, yung lang ang ginagawa. Antagal ko na rin dito sa bahay paulit-ulit na lang yung mukhang nakikita ko parang wala ng iba.
Pero paminsan minsan masaya naman kapag naisipan naming gumala yun na lang ata ang libangan naming pamilya.


Sa panahong ito ramdam ko na ang bakasyon, sulit din naman kasi ito yung panahon para makapagpahinga naman kami at para makaiwas sa mga gawaing panpaaralan pero mukhang ayaw kaming tantanan ng mga ito kasi nariyan ang nagiintay sa aming mga takdang aralin at iba pang mga gawain.

Isa pa, nakakamiss pala yung mga maiingay kung kaklase, lalo na yung mga pagkakataong binibiro namin ang aming mga guro at siyempre alam na kung sino ang nangunguna sa mga ganyan ,si ano yun! (iwag at griarte)=)=)

Kahit pa nakakaboring paminsan-minsan itong baksyon namin ay sinisigurado ko namn kayo na punong-puno ito ng mga alaala at kasiyahan.

Sabado, Nobyembre 21, 2015

"unang konpesyon para sa inyo"

Hindi ako yung tipo ng anak na bukas ang saloobin pagdating sa aking mga magulang pero sa unang pagkakataon na sasabihin ko ang mga bagay na ito ay sana maunawaan niyo ako.

Para kay mama ,maraming -maraming salamat sa pag-aaalaga mo sa akin.Kahit na halos sa school na ko tumira at kahit na halos lumabas at magkagalit-galit na ang ugat mo sa binti ay nariyan ka parin para paghandaan ako ng pagkain ng gamit at iba pa.Hinding-hindi ko malilimutan yung mga araw na parehas tayong may sakit pero 'di mo pa rin ako pinabayaan para makapagpahinga ka na lang bagkus binantayan mo ako kung patuloy pa rin bang tumataas ang lagnat ko, kahit na giniginaw at tinatrangkaso ka na rin .Wala na akong hihilingin pa sa isang nanay na aktulad mo kaya wala talaga akong karapatan na magalit sayo sa minsan mo akong kagalitan kasi mas may karapatan....sumasakit yung lalamunan at dibdib ko habang nagta-type yung para bang nagpipigil ka ng iyak. I LOVE YOU MA!


Para naman kay papa ....siguro nga nagagalit ako sayo ng madalas pero hinding-hindi pa rin nawawala ang bagay na nagpapaalala sa akin na anak mo lang ako at papa kita,ikaw naman kasi ...eh ayoko sanang magtanim ng galit sayo pero ikaw rin kasi minsan ang gumagawa ng paraan para lumayo ang loob ko sayo .Tanggap ko naman na may pagkastrikto ka pero wag ka naman sana magalit sa akin ng hindi mo pa alam kung ano naman ang nararamdaman ko.Nagpapasalamat ako para  sa mga ginawa mo para sa amin bilang isan ama ,malaking bagay ang mga iyon para matuto kami sa buhay.Paano na lang siguro kami kung wala ka?siguro wala ako ngayon dito sa computer shop habang gumagawa ng sulatin para sa inyo ni mama.Siguro ito ang tamang panhon para sabihin ko sayo na mahal na mahal kita sa likod ng mga nagawa kong masama at sa mga ginawa mong ikinasama ng loob ko.Kahit papaano umaayos naman na ang relasyon nating mag-ama kaya pa! sorry po sa lahat at MAHAL NA MAHAL KITA!

Sabado, Nobyembre 14, 2015

"Pahinga po tayo!"^___^-sabado at linggo***



Sabado at Linggo ,dalawang araw na inilaan sa lahat para makapagpahinga matapos ang limang araw na punong-puno ng mga gawain.....pero BAKIT 'DI KO DAMA!?

Paano buong sabado at linggo ay nagbabawi ako sa mama ko kasi wala na raw akong silbi sa bahay halos sa school na raw ako tumira,HAHAHA!!!
OKAY SIGE!
magluto-check
maglaba-check
magsampay-check
maghugas ng plato-check
maglinis ng bahay-check
MAGPAHINGA-Ewan?meron ba nun?

Pero ayos lang ganyan talaga ang buhay!lunes na pala bukas hala! wala pa akong gawa sa TLE..Lord tulong po plsss....

"PANGAKONG HINDI MAPAPAKO"




Bilang isang estudyante ang tatahakin ko tungkol sa pangako ng diyos  ay kung ano ang nararapat ,kung ano ang makabubuti sa akin at sa aking kapwa  .Anuman ang mangyari ,ano man ang problemang dumating na maaaring gumiba sa aking pananampalataya ay hindi pa rin ako padadaig hangga't alam kong nariyan siya sa tabi ko at sa puso ko ay walang makakapigil  sa akingv naguumapaw na pagmamahal at tiwal sa kanya.Alam ko na kahit mapako na ang lahat ng pangako sa mundo ,isama mo pa ang "PANGAKO SAYO" hinding -hindi pa vrin mapapako ang pangako ng diyos.