Sa panahon ng kastila naipakita ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa bayan sa paraang alam niyang walang masasaktan o madadamay at yun ang paggawa ng mga akda na bumabatikos sa pagmamalupit ng mga espanyol.
Umabot sa sukdulan ang kanyang paninindigan para sa bayan kaya kahit ang buhay niya ay buong puso niyang inilaan .
Ngayon ,narito ang bagong henerasyon na siyang minsang itinanyag ni Rizal at sinabi niya na "ANG KABATAAN AY ANG PAG-ASA NG BAYAN" mga katagang dapat nating patunayan di lang sa lahat lalong -lalo na kay Rizal na naniwala sa kakayahan nating mga kabataan at para na rin kahit papaano ay mabigyan natin ng hustisya ang kanyang pagbubuwis ng buhay.Sa paraang ito ay maipapakita natin ang ating pagpapahalaga sa mga kadakilaang ginawa niya sa ating bansa.
Gamitin rin nating gabay ang mga prinsipyo na ibinahagi ni Rizal gamit ang kanyang mga akda.Malaking tulong ang mga aral at mga payo niya lalo na sa ating mga kabataan sa pagtahak ng atin mga landas bilang mga susunod na mga lider at mga taong may mahalagang tungkulin sa ating inang bayan.😘😘😘